PCG, tumanggap ng mga bagong sasakyan at lagamitan…disaster response, mas palalakasin
Dumating na ang mga bagong sasakyan at kagamitan ng Philippine Coastguard (PCG) na inaasahang makakatulongng malaki para mas palakasin pa ang kanilang disaster response.
Kabilang sa mga bagong gamit ng coastguard ngayon ay 90 units ng 4×4 pick up trailer hitch ball and mount, 73 rubber boats, 12 units ng rigid hull inflatable boats, 7 unit ng bus, at 5 ambulansya na fully-equipped sa mga makabagong gamit para sa kanilang pagresponde sa anumang emergency.
Nagkakahalaga ang mga ito ng mahigit 450 million pesos.
Nagsilbi namang panauhing pandangal sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Transportation secretary Arthur Tugade sa ginawang turn- over ceremony sa mga nasabing bagong kagamitan ng PCG.
Ayon kay Lorenzana, kabilang ang units ng coast guard sa mga una sanang naka-responde sa nangyaring pagbangga sa M/V Gemver Uno sa Recto bank noong Hunyo pero dahil sa limitadong resources na meron ito malapit sa lugar ay natagalan ang kanilang pagresponde.
Malaking tulong rin aniya ang mga bagong kagamitan na ito sa operasyon ng PCG sa pagpapatrolya sa marine ecosystem ng bansa.
Ayon kay Lorenzana napakahaba ng coastline ng Pilipinas kaya mahalagang may mga kagamitang maasahanang PCG para matupad ang mandato nito.
Samantala, nagpakitang gilas naman ang mga tauhan ng coastguard kung saan sakay ng dalawang bagong rigid hull inflatable boats ay rumesponde sila sa isang kunwaring scenario sa laot.
Ayon sa Coast Guard, ipamamahagi ang mga assests na ito sa ibat-ibang coastguard districts sa buong bansa.
Ulat ni Madelyn Moratillo