PDEA at Customs pinatitigil na sa sisihan sa pagkakapuslit ng mahigit pitong bilyong pisong halaga ng shabu
Pinatatahimik ng mga Senador ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Bureau of Customs o BOC sa sisihan sa pagkakapuslit ng halos pitong bilyong pisong halaga ng shabu.
Nauna nang nadiskubre ng PDEA noong Biyernes ang bodega sa Cavite kung saan natagpuan ang apat na magnetic filters na pinaglagyan ng tinatayang isang libo ng shabu.
Kapwa sinabi nina Senate President Vicente Sotto at Senador Panfilo Lacson na sa halip na magsisihan, dapat magtulungan ang dalawang ahensya sa pag-iimbestiga kung paano nakalusot ang droga.
Nakapagtataka ayon kay Sotto na napalitan na ang mga opisyal sa Customs pero napalusutan pa rin ng bulto-bultong iligal na droga.
Nauna nang iginiit ng pdea na may kasabwat ang mga smugglers sa Customs kaya napalusot ang shabu pero katwiran ni Customs Chief Isidro Lapeña dapat din silang binibigyan ng intelligence report ng PDEA.
Sinabi ni Lacson na nakakagalit na sa halip na imbestigahan, nagbabangayan pa ang mga opisyal.
Dalawang taon na aniya ang giyera kontra droga pero tanging mga tambayna drug pushers ang naaaresto at hindi ang mga suppliers.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: