PDEA official binigyan ng immunity ng Kamara sa imbestigasyon ukol sa nakalusot na illegal drugs sa BOC
Binigyan na ng immunity ng liderato ng Kamara sina PDEA NCR Dir. Wilkins Villanueva at agent na si Norman Balquedra laban sa anumang kasong maaaring maisampa sa kanila sa kanilang pagharap at pagsisiwalat ng nalalaman sa imbestigasyon ng Kamara sa nakalusot na 6.4 bilyon halaga ng drugs sa BOC.
Ang nasabing resolution para sa immunity ng dalawa ay si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagbigay.
Sa kanyang testimonya sinabi ni Villanueva na nagulat sila na pagdating nila sa warehouse sa Valenzuela kung saan ginawa ang sinasabing anti illeg drug operation ay nakabukas na ang MHA crate.
Nakabuyangyang na aniya ang mga droga mula sa cylinder.
Kaya naman labis aniya ang pagkadismaya nila dahil kontaminado na ang mga droga, ang dami pa aniyang tao na nakita nilang nagseselfie.
Nang makausap niya si BOC Commissioner Nicanor Faeldon ay ipinilit nito na isang crate lang ang madala ng PDEA dahil sapat na ito para maconvict ang mga dapat kasuhan.
Noong una ay ayaw niyang pumayag at nais sana dalhin ang 5 crate at ideliver sa dapat nitong pagdalhan para mahuli sana aniya ang dapat na mahuli.
Harapan ring sinisi ni Villanueva si Faeldon na nagmamagaling at ayaw makinig sa PDEA samantalang sila ang mas maalam sa mga anti illegal drugs operation.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo