PDEA, umaming nire-recycle ang nakukumpiskang illegal drugs para ibenta sa isang Drug Queen
Talamak pa rin ang recycling ng iligal na droga sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito ang inamin ni PDEA Director General Aaron Aquino sa pagharap nito sa Senado para idepensa ang hinihinging budget para sa susunod na taon.
PDEA Director General Aaron Aquino:
“Ang puntos dito not even PDEA is exempted. I knew that some of my agent are recycling drugs and so other Law Enforcement agencies”.
Ang modus aniya, kapag nag-operate ang mga PDEA agents o tauhan ng PNP, hindi lahat ng nakumpiskang droga ay isinu-surrender dahil kalahati nito ay ibinebenta.
Madalas aniya itong nangyayari kapag ang isang PDEA agent lang ang nagsagawa ng operasyon o kaya’y nakikipagsabwatan sa iba pang taga-PDEA o iba pang Law enforcement agency.
Aminado si Aquino na posibleng ito ang dahilan kaya hindi pa rin masolusyunan ng gobyerno ang pagkalat ng illegal drugs.
Kinumpirma naman ni Aquino, hanggang ngayon tuloy pa rin ang operasyon ng mga drug lords sa loob ng National Penetentiary sa Muntinlupa.
Katunayan, na-record aniya aniya nila ang pakikipag-usap ng ilang drug lords na nakakulong sa Bilibid sa kanilang mga kliyente kung saan sa labas na ng bilangguan ginagawa ang mga transaksyon.
Pero sabi ni Aquino hindi lang sa Bucor nangyayari ang ganitong mga transaksyon kundi sa lahat ng city jail at mga provincial jail sa buong bansa.
Ang problema aniya ay hirap silang makapasok sa mga bilangguan para makapagsagawa ang operasyon.
Pag-aaralan na ng Senado kung kailangang amyendahan pa ang Section 21 ng RA 9165 o Chain of Custody o kaya’y dumulog sa Korte Suprema.
Sa kasalukuyang batas, dapat ay 72 hours lamang maaring i-kustodiya ng PDEA ang mga nakukumpiskang illegal drugs.
Ang prolema ayon kay Senador Panfilo Lacosn, hindi naman naglalabas ng utos ang Korte para sirain ang mga droga dahilan kaya hanggang ngayon umaabot pa sa mahigit 22 bilyong piso na halaga ng illegal drugs ang nasa imbentaryo ng PDEA.
Ulat ni Meanne Corvera