PDP-Laban bukas sa isinusulong na term sharing sa House Speakership
Dahil sa paglutang ng iba pang kandidato sa pagka-House Speaker bukas na ngayon ang partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban sa term sharing.
Ang term sharing ay una nang inirekomenda ng Pangulo sa pagitan nina Marinduque Cong. Lord Allan Velasco at Taguig Representative Alan Peter Cayetano.
Nauna nang sinabi ng PDP-Laban na dapat kapartido nila ang maluklok sa puwesto dahil sila ang ruling party at kaalyado ng administrasyon.
Pero ayon kay PDP-Laban President at Senator Aquilino “Koko” Pimentel kung magkakaroon ng term sharing dapat mauna si Velasco.
Pero handa aniya ang partido na makipagdayalogo para pag-usapan ang isyu.
Ulat ni Meanne Corvera