PDP laban, muling magpupulong sa Hulyo para pagpasyahan ang party leadership
Muling magpupulong ang partido ni Pangulong Duterte na PDP laban sa hulyo para pagpasyahan ang liderato ng partido.
Sa National Council meeting ng PDP laban kahapon nagkasundo ang mga lider at miyembro ng partido na magsagawa ng panibagong assembly sa July 17 pero ikokonsulta pa raw ito kay Pangulong Duterte na Chairman ng partido.
Nang tanungin kung mapapatalsik si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng partido tumanggi munang magsalita ang PDP laban.
Pero sinabi ni PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag naitalaga si Pacquaio bilang acting president matapos magresign si Senator koko Pimentel.
Nakasaad raw sa kanilang by laws na dapat ang termino ng mga nakaupong opisyal dapat dalawang taon lang.
Bagamat wala pa raw malinaw na agenda, lahat naman raw ng isyu maaring matalakay sa kanilang susunod na assembly.
Handa naman sina Senator Ronald Dela rosa at Francis Tolentino anuman ang magiging desisyon ng pangulo sa inaprubahang resolusyon ng partido.
Handa rin aniya silang tumalima sa magiging desisyon ng majority ng miyembro lalo na sa pagbabago ngideratoito ang inihayag ni Senador Dela rosa sa matapos na may i-adopt na resolusyon ang PDP Laban na kumukumbinsi sa pangulo na tumakbo sa pagka bise presidente.
Ayon kay dela rosa lagi naman siyang nasa likod ng pangulo at sumusuporta sa mga nagiging hakbangin o desisyon nito.
Samantala sinabi naman ni Senator Francis Tolentino na bilang miembro ng PDP laban, tatalima sila kung ano ang kagustuhan ng nakakaramibagamat dumalo virtually sina dela rosa at tolentino, sa assembly ng kanilang partido kahapon, pero hindi na daw nila na monitor ang mga naging kaganapan dahil nag attend na sila sesyon ng Senado.
Meanne Corvera