PDP- Laban umapela ay PBBM na i-activate ang NTF- ELCAC at ituloy ang war on drugs ng Duterte Admin
Nais ng PDP- Laban na paigtingin ng Pamahalaang Marcos ang laban at kampanya nito sa terorismo at kriminalidad.
Sa national assembly ng partido, pinagtibay nito ang ilang resolusyon na nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Isa na rito ang apela na i-fully activate ang National Task Force To End
Local Communist Armed Conflict (NTF- ELCAC) at pagbasura sa usapang pangkapayapaan sa CPP- NPA.
Ayon sa grupo, naging matagumpay ang NTF-ELCAC sa pagtatamo ng kapayapaan at kaunlaran sa mga remote at isolated barangay sa bansa na dating pinamumugaran ng CPP- NPA.
Naniniwala ang PDP – Laban na ang NTF- ELCAC ang pinakamabuting solusyon sa matagal ng problema ng insurgencies at iba pang armed conflict at para matamo ang sustainable at inclusive na kapayapaan.
Nagpahayag din ng suporta ang PDP- Laban sa isusulong na bagong kaso ng DOJ para ideklarang teroristang grupo ang CPP- NPA.
Hinikayat din ng PDP- Laban ang Marcos Administration na iprayoridad ang local peace talks sa local rebel leaders.
Sa hiwalay pang resolusyon, nanawagan ang partido kay PBBM at mga alagad ng batas na palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad sa bansa.
Gusto rin ng PDP- Laban na ituloy ng Marcos Government ang giyera kontra droga para patuloy na pakinabangan ang mga nakamit ng Duterte Administration at masawata ang mga sindikato ng iligal na droga sa bansa.
Moira Encina