PDRRMO Northern Samar, patuloy ang paghahanda laban sa kalamidad

 

Habang wala pa ang plano ng pamahalaan na magtatag ng Department of Disaster Management, patuloy na nagsasagawa ng mga Education Campaign ang lokal na pamahalaan ng northern samar bilang paghahanda sa mga dumarating na kalamidad.

Sa panayam ng programang Eagle Night Watch kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management officer Rey Echano, sa halos lahat ng lugar sa kanilang lalawigan ay naglalatag sila ng mga community based disaster campaign upang mapalakas at magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan sa pagdating ng mga bagyo, lindol, tsunami at iba pang kalamidad.

Ginawa nilang katuwang ang mga unibersidad at mga paaralan sa lalawigan upang lalung maipalaganap ang awareness sa mga residente.

Sabay-sabay na hakbang kasama ang pamahalaang panlalawigan para mapatibay ang aming paghahanda sa anumang mga kalamidad na darating lalu na ang pagsapit ng Ber months kung saan inaasahang lima hanggang sampung bagyo pa ang papasok sa bansa”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *