Peacetalks sa CPP NPA pinakakansela ni Pangulong Duterte dahil sa pananambang sa tropa ng PSG sa North Cotabato
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang government negotiating panel na huwag ituloy ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista dahil sa patuloy na pag-atake sa tropa ng pamahalaan.
Pinakahuling pag-atake ng New Peoples Army ang ginawang pananambang sa tropa ng Presidential Security Group o PSG sa Aracan North Cotabato na ikinasugat ng 7 PSG personnel.
Sinabi ni Government Chief Negotiator Secretary Silvestre Bello III na hanggat hindi nagpapakita ng sinseridad ang CPP/NPA ay hindi muna itutuloy ang peace talks.
Ayon kay Bello patuloy na ang back channel negotiation upang maisaayos ang pormal na usapang pangkapayapaan.
Batay sa report nagbanta ng patuloy na pag-atake sa tropa ng pamahalaan ang NPA dahil sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Ulat ni: Vic Somintac