Peacetalks sa kilusang komunista, itutuloy ng gobyerno

Itutuloy ng gobyerno ng Pilipinas ang naudlot na usapang kapayapaan sa kilusang komunista.

Ayon kay Government Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III, nag-uusap na sila ni NDF peace panel head Fidel Agcaoili para maisakatuparan muli ang peace talks.

Batay sa pagtaya ni Bello, posibleng matuloy ang usapang pangkapayapaan sa ikatlo o huling linggo ng Agosto para sa hinahangad na kapayapaan sa bansa.

Pero bago nito, sinabi ni Bello na magkakaroon muna sila ng informal na pag-uusap sa huling linggo ng Hulyo para mailatag ang mga dapat pag-usapan sa socio economic reform at interim ceasefire.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *