Peak ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan pa ng Enero mararamdaman – OCTA research
Naniniwala ang OCTA Research na posibleng sa katapusan pa ng kasalukuyang buwan maranasan ang peak ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group kahit nakakakita ng pagbaba sa COVID- 19 cases sa Metro Manila nakapagtatala naman ng pagtaas sa ibang rehiyon.
Inihalimbawa ni David ang Tacloban, Cebu, at iba pang lugar sa labas ng Metro Manila nagsisimula ng makakita ng pagtaas sa bilang ng COVID-19 cases.
Nilinaw naman ni David na kung ang NCR ang pinag-uusapan at mga kalapit na lugar tulad ng Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal malapit ng maranasan ang peak ng COVID-19 cases.
Inihayag ni David kailangan na lamang na makita pa ang datos ng Metro Manila sa mga susunod na linggo upang madetermina kung talagang bumababa na ang kaso ng COVID-19 dulot ng omicron variant.
Vic Somintac