Pelikulang ‘Death on the Nile’ na kinatatampukan ni Gal Gadot, ipagbabawal sa Kuwait
Ipagbabawal ng Kuwait ang isang bagong film adaptation ng “Death on the Nile” ni Agatha Christie, na kinatatampukan ng Hollywood stars kabilang na ang aktres at dating Miss Universe na si Gal Gadot.
Ang pelikula na co-starred at directed by Kenneth Branagh, ay nakatakdang ipalabas ngayong buwan sa Estados Unidos.
Ang istorya ay isa sa pinaka popular na libro ng British author na tinaguriang “Queen of Crime.”
Nguni’t hindi ito mapapanood ng cinemagoers sa Kuwait ayon kay information ministry spokeswoman Anouar Mourad.
Ayon sa Al-Qabas newspaper ng Kuwait, ang desisyon ay kasunod ng demands sa social media na i-ban ang naturang pelikula.
Tinukoy ng social media users ang pagpuri ni Gadot sa Israeli army at pagbatikos naman sa Palestinian Islamic movement na Hamas noong panahon ng 2014 war sa Gaza.
Ang naturang giyera ay nag-iwan ng 2,251 patay sa panig ng Palestinian na karamihan ay mga sibilyan, at 74 naman sa panig ng Israel na ang karamihan ay mga sundalo.
Si Gadot ay nakilala sa pagganap bilang Wonder Woman sa 2017 blockbuster movie na may kaparehong pamagat, na ipinagbawal ding ipalabas sa ilang Arab countries.
Ilang ulit na ring pinuna si Gadot sa social media dahil sa kaniyang mandatory service sa Israeli army.
Ang Kuwait na matagal nang supporter ng Palestinian cause, ay mahigpit na tumututol na ibalik sa normal ang ugnayan nila ng Israel, hindi gaya ng mga kapitbahay nitong bansa sa Gulpo, ang United Arab Emirates at Bahrain na lumagda na ng kasunduan sa kapayapaan sa estado ng mga Hudyo.