Pensyon ng mga Senior Citizens isinusulong na itaas pa
Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang batas na itaas sa 1,000 piso ang kasalukuyang 500 pesos na social pension ng mga senior citizens.
Sa panukala ni Senador Sonny Angara, aamyendahan ang Republic Act 7432 o Senior Citizens Act of 1993.
Sa kasalukuyan kasing batas, sa may 5.8 million na senior citizens na walang tinatanggap na contributory pension gayan ng SSS, 3.4 million lang sa mga ito ang sakop ng Social Pension program para sa indigent senior citizens ng DSWD.
Pero sinabi ni Angara na nadagdagan pa ang Senior Citizens na walang pension dahil batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) hanggang 2018, umaabot na sa 8.7 million ang hindi nakakatanggap ng pensyon.
Malaking bagay aniya ang pensyon para sa ipambili ng gamot ng mga senior citizens na wala nang kakayahang magtrabaho.
Ulat ni Meanne Corvera