Pentagon chief, nabigyan na ng COVID-19 vaccine
WASHINGTON, United States (AFP) – Isa ang Pentagon chief na si Christopher Miller sa mga mamamayang Amerikano na unang nakatanggap ng COVID-19 vaccine, at ito ay ginawa sa harap ng camera para hikayatin ang publiko na magpabakuna rin.
Ayon sa video na isinapubliko ng Pentagon, ang acting defense secretary ay binakunahan sa Walter Reed military hospital malapit sa Washington.
Habang binabakunahan naman ay nagbiro si Miller, dahil hindi man lang siya nasaktan. Aniya, “That’s all?! Oh come on! That did not hurt at all!”
Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng Pentagon na ang kalihim at matataas na opisyal militar, ay boluntaryong magpapabakuna at makikita ito ng publiko upang makatulong sa pagpapalaganap ng mensahe tungkol sa pagiging ligtas at mabisa nito.
Prayoridad ng US vaccine campaign, ang frontline healthcare workers at nursing homes.
Halos tatlong milyong doses ang ipamamahagi sa Miyerkoles, na ang target ay mabakunahan ang may 20 milyong Amerikano sa pagtatapos ng Disyembre, at 100 milyon sa pagtatapos ng Marso, sa susunod na taon.
Hanggang nitong Lunes ay umabot na sa 300,000 ang nasawi sa US dahil sa COVID-19.
© Agence France-Presse