People’s Survival Fund para sa climate adaption projects nais ng gobyerno na muling punan
Nais ng Pilipinas na muling punan ang People’s Survival Fund, na nilayon para sa climate adaptation projects, sa tulong ng iba’t ibang mga donor at multilateral financing institution.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno, kabilang sa multilateral financing institutions na maaaring makatulong sa mga bansa, kabilang ang Pilipinas, ay ang Asian Development Bank (ADB), na nagkaloob ng tulong sa bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Idinagdag pa niya na may mga available donors din sa pamamagitan ng multilateral development banks (MDBs).
Para rito, dapat aniyang magpakita ng mabuting pagpapasya at piskal na disiplina at organisasyon ang bawat bansa.
Aniya, “But my message is clear: I said it is the responsibility of every country, every community, every individual to do their share in making sure that planet Earth will be around for many, many years to come, right? And so we’re doing our job.”
Sa ngayon aniya, ang gobyerno ay nakapagbigay na ng halos P600 milyong grant sa mga lokal na pamahalaan para sa climate adaptation at resiliency projects.
Upang maragdagan ang government resources, sinabi ng finance chief na kailangan din ng gobyerno ng public-private participation.
Para rito aniya, napakahalaga ng Public Private Partnership Code.
Sinabi ng gobyerno na ang Republic Act 11966, o An Act Providing for the PPP Code of the Philippines, ay magtatatag ng “isang matibay at predictable environment para sa pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor.”
Nilalayon nitong tugunan ang mga gap sa mga sistema ng imprastraktura at maglaan ng mga mapagkukunan upang bigyang-daan ang pamahalaan na ituloy ang iba pang kapantay na mahahalagang proyekto at inisyatiba.
Ayon kay Diokno, “Basically, the message is very clear.…. We can’t forget the (Sustainable Development Goals), right?”