Pera ay Pag-ingatan,Tamang Pagba-budget Dapat Matutuhan
Magandang araw mga kapitbahay! May nakakawentuhan tayong isang financial consultant, siya si Ms. Jingle Dungo at naitanong natin sa kanya kung may formula ba sa pagma manage ng pera?
Alamin ang kanyang naging sagot sa atin… actually, walang mathematical formula, but there should be the right attitude and the correct skill. So, ang kailangan ay skill and attitude. Pag sinabing attitude nandun ang disiplina sa sarili pagdating sa pera.
Hindi dapat na ang pera ang magmanage sa tao sa halip ang tao dapat na mag-manage sa pera. Halimbawa, kapag suweldo huwag hayaan na ang pera ang magdikta sa ‘yo sa kung paano mamuhay sa araw-araw or else, kakapusin ka. Matuto tayong magbudget or magkaron ng skill of budgeting. Ang iba ay gumagamit ng envelope sa pagba-budget. Dito inilalagay ang pera para sa mga bayarin (kuryente, tubig, upa at kung ano-ano pa). Paalala lang mga kapitbahay sa ating paglalaan, huwag kaliligtaan ang para sa religious obligation, sunod para sa ating sarili. At sunod na ang mga bayarin.
Samantala, naitanong din natin kay Ms. Jingle,kung ilang percent ang dapat na mapunta sa savings natin? Sabi n’ya, walang exact percentage, mas mabuting simulan sa 10 percent savings hanggang sa ito ay lumaki.
Sabi pa niya, “you have to pay yourself.” Sa mga nagsasabing mahirap itong gawin na magtabi para sa sarili dahil maraming utang na dapat bayaran. Binigyang-diin ni Ms. Jingle na dapat ay may method na ginagawa para maalis sa pagkakautang.
Hindi aniya dapat na isipin na kapag may utang ay hindi ka na puwedeng makapag save o makapag-ipon. Halimbawa, may tatlo kang pinagkakautangan, unahing bayaran ang pinakamaliit hanggang sa pinaka malaking utang. Bakit? Mas madaling i-settle ang pinakamaliit, madaling matapos at nagkakaron ng psychological feeling of accomplishment o may natapos o nabayaran.
Samantala, hindi kinakailangang maghintay na mabayaran lahat ng pagkakautang bago ka makapag save.
Tandaan na kailangang pag-isipan, pag-aralan kung saan mo dadalhin ang iyong pinaghirapang pera lalo na nga ngayon sa panahong ito na may krisis, may pandemya.
Maraming salamat sa lahat na nagpaunlak na basahin ang artikulong ito.