Perang ipinapadala sa GCash para mga PDLs, kinakaltasan umano ng 12% ng BuCor guards– Remulla
Nadiskubre kamakailan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang panibagong modus sa loob ng New Bilibid Prisons na kinasasangkutan ng ilang guwardiya at empleyado ng kulungan.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na ito ay ang sinasabing GCash scheme kung saan ang perang pinapadala ng mga kamag-anak ng inmates sa nasabing app ay kinakaltasan ng 12% ng BuCor guards o personnel.
Kaugnay nito, naungkat din ang loan sharking o ang pagpapautang ng
BuCor guards sa PDLs na may sobrang laking interest.
Kinumpirma naman ni BuCor Acting Director General Gregorio Catapang Jr. ang mga nasabing sistema.
Ayon kay Remulla, ginagawa rin ang nasabing GCash scheme sa mga kulungan ng BJMP at PDEA.
Iginiit ng kalihim na hindi dapat pamarisan ang nasabing kurapsyon sa loob ng mga piitan.
Aniya, dapat matugunan ang mga sistema at kalaran sa mga bilangguan na nagdudulot para gawin ang mga naturang katiwalian.
Moira Encina