Performance ng mga local government officials sa anti -criminality campaign, pinapa-evaluate ni Pangulong Duterte sa DILG
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior and Local government Secretary Eduardo Año na isailalim sa evaluation ang anti-criminality performance ng mga local executives sa buong bansa.
Sinabi ng Pangulo na nais niyang malaman ang performance ng mga gobernador at mga mayor kung papaano nila ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pagsugpo ng krimen sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa Pangulo ang mga masusumpungang nagpapabaya sa kanilang tungkulin ay maaaring kasuhan ng neglect of duty.
Inihayag ng Pangulo na maaaring ikasibak ng mga local executives ang kawalan ng tamang aksyon kontra kriminalidad kasama na ang paglaganap ng ilegal na droga. Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: