Permit ng mga dayuhan na nagsasagawa ng scientific reserach sa Benham Rrise pinakansela na ni Pangulong Duterte ayon sa Malacañang

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs o DFA Inter Agency na ipatigil na ang lahat ng foreign scientific reserach na ginagawa sa Benham Rise.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inatasan siya ng pangulo na gumawa ng official announcement hinggil sa policy ng Malakanyang sa Benham Rise.

Ayon kay Roque inatasan din ng pangulo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tawaging Philippone Rse ang Benham Rise.

Inihayag ni Roque na dapat na Philippine Rise ang itawag sa Benham Rise dahil malinaw na ang natirang teritoryo ay sakop ng Pilipinas.

Nilinaw ni Roque na ang mga dayuhang nagsasagawa ng reserach sa Philippine Rise ay kinabibilangan ng bansang Amerika, China, Japan, Korea at Germany at ang kanilang permiso ay kinasela na ng pamahalaan.

Idinagdag ni Roque na maaari paring mag-apply ng panibagong permit ang mga dayuhan subalit kinakailangang kumuha ng pahintulot mula sa tanggapan ng National Security Adviser ng bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *