PET, ibinasura ang mosyon ng kampo ni Bongbong Marcos na imbestigahan ang Pansol outing ng mga PET Revisors

Ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal ang mosyon ni dating Senador Bongbong Marcos na imbestigahan ang outing sa Laguna ng PET revisors at party revisor ni Vice-President Leni Robredo.

Sa resolusyon ng PET noong July 10, sinabi na nasimulan at tinapos na ng Tribunal ang imbestigasyon nito sa nangyaring Pansol outing.

Ayon sa PET, bago pa man naghain ng mosyon si Marcos ay nakapagsagawa na sila ng imbestigasyon.

Pero hindi naman isinapubliko ng PET kung ano ang kinalabasan ng imbestigasyon.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *