Petisyon kontra sa 2025 National Budget, inihain sa Korte Suprema

Courtesy: Atty Vic Rodriguez FB

Kinuwestiyon sa Korte Suprema ang constitutionality ng ilang probisyon ng 2025 National Budget.

Ang petition for certiorari and prohibition ay isinampa ni Atty. Vic Rodriguez at pitong iba pa.

Courtesy: Atty Vic Rodriguez FB

Hiniling ng petitioners sa Supreme Court na ipawalang-bisa at ideklarang labag sa Saligang Batas, ang Republic Act 12116 o 2025 General Appropriations Act.

Partikular na kinuwestiyon nina Rodriguez ang mga blangkong bahagi sa Bicameral report ng Senado at Kamara sa 2025 budget, na nagkakahalaga ng daang bilyong piso.

Kasama sa ipinunto ng petitioners ang bahagi sa budget ng Department of Agriculture at mga tanggapan at ahensya na nasa ilalim nito na may blangkong espasyo sa halaga ng pondo.

Tinawag pa ni Rodriguez na “biggest money heist” ang 2025 National Budget.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *