Petisyon laban sa National Telecommunications Commission ibinasura ng korte
Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang writ of preliminary injunction petition kontra sa inilabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission sa isang cable company.
Una rito, naghain ng petisyon ang NOW Cable Inc. sa QC RTC na kumukwestyon sa cease and desist order ng NTC noong Sept. 2021 matapos mapaso ang prangkisa nito.
Una ng binawi ng NTC ang mga naka-assign na frequency sa NOW Cable noong Mayo kabilang ang lahat ng channel at maging ang inisyung provisional authorities.
Ayon sa QC RTC Branch 91, bigo ang NOW Cable na patunayan na dapat silang proteksyunan sa pamamagitan ng injunction.
Giit ng korte, napaso na ang prangkisa ng kumpanya noong Setyembre ng 2021.
Una rito, iginiit ng NTC na walang awtoridad ang korte para aprubahan ang petisyon ng kumpanya dahil ang pagbibigay ng certificate of authority para makapag-operate ng radio at television broadcasting system kabilang na ang Cable ay sakop ng mandato ng kanilang mandato.
Madelyn Villar- Moratillo