Petisyon ng OVP para ma-exempt ang ilan sa kanilang programa ngayong campaign period,Inaprubahan ng Comelec
Pinagbigyan ng Commission on Elections ang petisyon ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo na maipagpatuloy ang ilan sa kanilang mga programa kahit umiiral na ang campaign period.
Ito ang kinumpirma ni Comelec Commissoner George Garcia matapos ang ginawang en banc session ng poll body.
Matatandang una ng sinuspinde ng Office of the Vice president o OVP ng ilan sa kanilang COVID-19 response programs ng magsimula na ang campaign period.
Ayon kay Garcia, kasabay din na inaprubahan ng en Banc ang petisyon ng Department of Social Welfare and Development na maipagpatuloy ang kanilang mga programa sa 45 araw na panahon ng kampanya.
Sinabi ni Garcia na may ilang petisyon ang iba pang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan ang hindi napagbigyan habang ang iba ay naaprubahan at may ilan ang partially granted.
Dahil panahon ng kampanya ngayon, kailangan munang humingi ng exemption ng mga ahensya ng gobyerno kasama ang mga LGU sa Comelec para maipagpatuloy ang kanilang mga programa.
Layon ng election ban na masigurong hindi magagamit ng kandidato ang pondo ng bayan para makapang impluwensya ng mga botante.
Madz Moratillo