Petisyon ng Smartmatic , pinaboran ng SC
Pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng Smartmatic-TIM matapos na idiskuwalipika ito ng Commission on Elections sa public bidding para sa 2025 elections.
Ayon kay bagong Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, nakagawa ng grave abuse of discretion ang Comelec nang hindi isali ang Smartmatic sa bidding bago pa man ito makapagsumite ng bidding requirements.
Batay aniya sa ruling ng SC, nilabag ng Comelec ang procurement law sa ginawa nito.
Pero nilinaw ni Ting na wala itong nakitang sapat na basehan para ipawalang -bisa ang isinagawang bidding ng poll body at paggawad ng kontrata sa Miru Systems.
Wala rin aniyang ipinataw na parusa ang SC sa Comelec sa kabila ng nakitang pag-abuso sa kapangyarihan.
Moira Encina