Petisyon ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos laban sa pagdinig ng Kamara sa maanomalyang paggamit ng mahigit ₱66M tobacco excise tax funds, ni-raffle muli ng SC

Muling ini-raffle ng Korte Suprema ang petisyon ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos laban sa pagdinig ng Kamara sa sinasabing maanomalyang paggamit ng lokal na pamahalaan ng lalawigan sa mahigit 66 million pesos na tobacco excise tax funds.

Ito ay matapos mag-inhibit sa kaso ang unang mahistrado na naatasang sumulat sa desisyon na si Associate Justice Diosdado Peralta.

Nabatid na si Peralta ang nagpanumpa  noong 2010 kina First Lady Imelda Marcos bilang Kongresista at  Bongbong Marcos bilang Senador at kaanak din ni Ilocos Norte First District Representative Rudy Fariñas na nagpatawag ng imbestigasyon at nagpaditene sa Kongreso sa Ilocos 6.

Nag-inhibit din sa kaso sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang bagong SC Justice at dating Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes Jr.

Matatandaang nagpalabas ng joint statement sina Sereno at Reyes na umaapela sa Kna  irekonsidera ang show cause order laban sa tatlong Court of Appeals Justices na nagutos na palayain na  ang Ilocos 6.

Sa petisyon, hiniling ni Marcos na ipatigil ng Supreme Court ang pagdinig ng Kamara at palayain na ang anim na empleyado ng Ilocos Norte Provincial Government.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *