Pfizer/BioNTech at Brazil manufacturer, lumagda sa isang kasunduan
NEW YORK, United States (AFP) – Nakipagkasundo sa Brazilian pharmaceutical company na Eurofarma ang Covid-19 vaccine makers na Pfizer at BioNTech, para sa distribusyon ng vaccine doses sa Latin America.
Ang produksiyon ay magsisimula sa susunod na taon, at magpo-produce ng 100 million finished doses.
Ayon kay Pfizer chief Albert Bourla . . . “Everyone, regardless of financial condition, race, religion or geography, deserves access to lifesaving COVID-19 vaccines.”
Dagdag pa niya . . . “Our new collaboration with Eurofarma expands our global supply chain network to another region, helping us continue to provide fair and equitable access to our COVID-19 vaccine.”
Ang Brazil ay isang global pandemic hotspot, kung saan noong lunes ay nakapagtala ito ng higit sa 1,300 namatay kayat umaabot na ngayon sa kabuuang halos 575,000 ang bilang ng mga nasasawi dahil sa virus, pangalawa sa Estados Unidos.
Tinawag naman ni Eurofarma President Maurizio Billi ang kasunduan bilang isang “milestone” para sa halos 50-taon nang kompanya.
Ayon kay Billi . . . “At such a difficult time as this one, being able to share this news fills us with pride and hope.”
Ayon sa Pfizer at BioNTech, nakapagpadala na sila ng higit 1.3 bilyong vaccine doses sa higit 120 mga bansa at teritoryo sa bawat rehiyon sa buong mundo, at target nilang magkaloob ng isang bilyong doses kada taon sa low at middle income countries sa 2021 at 2022.
Agence France-Presse