Pfizer, umaasang mailalabas na nila sa Marso ang bakuna laban sa Omicron
Umaasa ang Pfizer na handa na sa Marso ang isang Covid-19 vaccine na ang target ay ang Omicron variant.
Sinabi ni Pfizer Chief Executive Officer Albert Bourla, na mina-manufacture na ng Pfizer ang doses dahil sa matinding interes ng gobyerno ng mga bansa, habang nakikipagbuno ang mga awtoridad sa napakalaking bilang ng Covid-19 infections, kasama na ang malaking bilang ng “breakthrough” Omicron cases sa mga bakunado na.
Ayon kay Bourla . . . “This vaccine will be ready in March. I don’t know if we will need it. I don’t know if and how it will be used.”
Aniya, ang kasalukuyang dalawang doses ng bakuna at isang booster ay nagbibigay na ng “resonableng” proteksiyon laban sa seryosong epekto sa kalusugan ng Omicron.
Samantala, sinabi naman ng Moderna CEO na si Stephane Bancel na ang kompanya ay nagde-develop ng isang booster na maaaring panlaban sa Omicron at iba pang lilitaw na strain ngayong 2022.
Ayon kay Bancel . . . “We are discussing with public health leaders around the world to decide what we think is the best strategy for a potential booster for the fall of 2022. We need to be careful to try to stay ahead of a virus and not behind the virus.”