Pfizer vaccines para sa mga nasa edad 5-11, hindi pa available sa bansa – DOH

Nilinaw ng Department of Health na hindi pa nila maaaring simulan ang pagbabakuna kontra Covid- 19 sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11.

Ito ay kahit na inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna ng Pfizer para iturok sa nasabing age group.

Una ayon sa DOH, wala pang available na bakuna ngayon dito sa bansa para sa kanila.

Kailangan pa kasing bumili ng gobyerno ng mas mababang dosage ng Pfizer vaccine para sa mga mas batang edad dahil ito ang aprubado ng vaccine experts sa bansa.

DOH:

While FDA has already given EUA for Pfizer vaccines for this age group, the government will still need to procure Pfizer vaccines with lower concentration and dose suitable for 5 to 11 years old”.

Bukod rito, hindi pa rin nailalabas ang guidelines para sa pagbabakuna sa mga nasabing edad.

Sa pagtaya ng DOH, hanggang nitong Nobyembre, may 13.5 milyong kabataan sa bansa ang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Madz Moratillo

Please follow and like us: