Pfizer wala pang aplikasyon sa FDA para sa kanilang COVID-19 vaccine
Hindi pa nagsusumite ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization sa Food and Drug Administration ng kanilang COVID-19 vaccine ang US Pharmaceutical Company na Pfizer.
Ito ang kinumpirma ni FDA Director General Eric Domingo.
Ang EUA ay kailangan bago magamit sa bansa ang bakuna na dinevelop para sa COVID-19.
Una rito mistulang nasisi si Health Secretary Francisco Duque III dahil may sigurado na sana umanong COVID-19 vaccine mula sa Pfizer ang Pilipinas sa Enero ng 2021 kung hindi dahil sa kanya.
Pero nilinaw ni Duque na tuloy pa ang negosasyon sa nasabing kumpanya.
Madz Moratillo
Please follow and like us: