PGC, itinanggi ang ulat na extremely contagious ang P.3 Variant
Pinabulaanan ng Philippine Genome Center (PGC) ang mga kumakalat na balita na mas nakahahawa umano ang P.3 Variant na nagmula rito sa Pilipinas.
Ayon sa PGC, wala pang nailalabas na pag-aaral sa transmissibility ng P.3 Variant.
Una rito, isang diumano ay situationer report sa District 6 ng Quezon City ang kumakalat ngayon kung saan sinasabi na ang P.3 Variant ay extremely contagious.
Nakasaad pa rito na mula second quarter hanggang 3rd quarter ng 2020 ay may natukoy na clustering ng variant na ito sa mga informal settlement, habang noong 4th quarter ng 2020 hanggang 1st quarter mg 2021 ay nakita naman ang transition ng transmission sa middle hanggang upper class dahil sa pagluwag ng lockdown restriction.
Ayon sa PGC, ang P.3 Variant ay natuklasan lamang ngayong 2021.
Taliwas ito sa nasabing report na may natukoy ng transmission ng Variant noong nakaraang taon pa.
Ang P.3 Variant ay nagsimula bilang mga mutation of concern na unang nakita sa ilang samples mula sa Central Visayas.
Sa ngayon ay nasa 104 pa lamang ang naitalang P.3 Variant dito sa bansa.
Pero ayon sa DOH wala pang mga ebidensya na nakitang may epekto ang Variant na ito sa galaw ng Covid-19 virus.
Madz Moratillo