PH at US Congress magtutulong para isulong ang economic at defense cooperation ng dalawang bansa
Magsasanib pwersa ang Philippine at US House of Representatives para higit pang patatagin ang economic at defense cooperation ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang tiniyak matapos ipagmalaki ni House Speaker Martin Romaldez ang matagumpay at mabungang pakikipagpulong kay US House Speaker Kevin McCarthy sa Capitol Office sa Washington D.C.
Sa isang statement, sinabi ni Romualdez na “our meeting proved fruitful as the Philippine delegation managed to impress on Speaker McCarthy the need for the legislative representatives of the two countries to ramp up discussions on how to further boost US-Philippine relations.”“Philippine-US relations remain strong. Our security alliance under the 1951 Mutual Defense Treaty is ironclad. Our economic partnership is robust. And the friendship between our two peoples is solid,” diin pa ng Speaker.
Sinabi ni Speaker Romualdez na napagkasunduan nila ni US House Speaker McCarthy na sa pamamagitan ng legislative measures ay lalo pang patatagin ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa larangan ng ekonomiya at depensa sa ilalim ng Ferdinand Marcos Jr. at Joe Biden Administrations.
Ayon kay Romualdez nananatiling matatag ang defense relation ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty na nagsisilbing bantay sa katatagan ng regional peace sa Asya Pasipiko.
“We were thankful that the Speaker shared our ideals and agreed to continue similar discussions in the future,” dagdag pa ni Romualdez.
Kasama ni Speaker Romualdez na nagtungo sa Amerika sina House Deputy Speaker Aurelio Gonzales, House Majority Leader Mannix Dalipe, House Secretary General Reginald Velasco at House Sergeant at Arms Retired Major General Napoleon Taas.
Samantala, inimbitahan naman ng Speaker si McCarthy na bumisita sa bansa kasabay sa hosting ng Pilipinas sa 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum.
Vic Somintac