PH Consulate sa Osaka patuloy ang komunikasyon sa mga Pinoy sa Japan na nasa lugar na apektado ng super typhoon
Tiniyak ng Konsulado ng Pilipinas sa Osaka na tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa Pinoy community organizations sa hurisdiksyon nito na nasa mga lugar na tinamaan ng super typhoon sa Japan.
Ayon sa Philippine Consulate General sa Osaka, walang Pilipino sa mga nasasakupan nito ang naapektuhan o napinsala ng Bagyong Namnadol.
Iniulat din ng konsulado na wala ring na-displace na mga Pinoy bunsod ng bagyo.
Ito ay bagamat may ilan na Pilipino sa Kagoshima Prefecture kung saan nag-landfall ang bagyo ang lumikas sa evacuation centers.
Sinabi rin ng konsulado na patuloy nitong binabantayan ang mga kaganapan partikular sa southwestern area sa Japan.
Moira Encina