PH embassy nagpapatuloy ang relief, rescue, at evacuation efforts sa southeast Türkiye
Tiniyak ng Philippine Embassy sa Ankara na tuluy-tuloy ang kanilang relief, rescue, at evacuation operations sa southeast Türkiye.
Katuwang ng embahada ang Philippine Consulate General, Office of the Philippine Defense and Armed Forces Attaché, at local Pinoy volunteers.
Ayon naman kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokespeson Ma. Teresita Daza, may isang embassy team na itutuloy ang rescue at relief mission sa Mersin para alamin ang kalagayan ng mga Pinoy na nangangailangan ng tulong o kaya ay nais na magpalikas.
Nagpasalamat naman ang embahada sa pagdating ng Philippine Inter-Agency
Humanitarian Contingent Team sa Türkiye.
Sinabi ng embahada na idideploy ang team sa Gaziantep para sa karagdagang relief, evacuation at rescue efforts.
Umaasa ang Philippine embassy na maaabot ng local at international search-and-rescue teams ang mga maaari pang masagip.
Bukas ang embahada sa anumang impormasyon sa mga apektadong Pinoy lalo na’t nagpapatuloy ang aftershocks sa rehiyon.
Moira Encina