PH Embassy sa Seoul, ‘di apektado ng mga kagapanan sa South Korea

Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul ang mga Pilipino sa South Korea na bukas ito para sa regular na operasyon.

Ang abiso ay inilabas ng embahada sa harap ng mga kaganapan sa South Korea matapos na isailalim ni President Yoon Suk Yeol sa emergency martial law ang nasabing bansa na kalaunan ay binawi nito.

Ayon sa embahada, maaaring bisitahin ang kanilang opisyal na website o kontakin ang kanilang opisyal na email addresses para sa mga detalye ng kanilang serbisyo.

Una nang pinayuhan ng Philippine embassy ang mga Pilipino sa South Korea na huminahon at sundin ang mga abiso ng mga otoridad doon.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *