PH Embassy sa South Korea, inaalam ang lagay ng mga Pinoy kasunod ng malakas na bagyo doon
Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa South Korea sa Pinoy community leaders sa mga lugar na tinamaan ng super typhoon doon.
Ayon sa embahada, sa ngayon ay wala pa itong natatanggap na mga ulat na mga Pilipino na naapektuhan ng bagyo.
Una nang inabisuhan ng Philippine Embassy sa Korea ang mga Pilipino na mag-ingat at i-monitor ang lagay ng bagyo.
Sinabi ng embahada na inaalam na ng Korean Government ang pinsala na idinulot ng super typhoon sa coastal areas ng Jeju Island, Busan, at Geoje Island.
Nag-landfall ang Typhoon Hinnamnor sa Southeastern region ng South Korea noong Martes, Setyembre 6.
Moira Encina
Please follow and like us: