PH national flag sa mga halls of justice sa bansa, naka-half-mast mula Agosto 16-20
Simula ngayong araw, Agosto 16 hanggang sa Agosto 20 ay naka-half-mast ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng halls of justice ng bansa.
Ito ay alinsunod sa kautusan na inisyu ni Court Administrator Jose Midas Marquez sa lahat ng executive judges at mga hukom ng single-sala courts.
Sinabi ni Marquez na ito ay bilang pagpupugay at pagluluksa sa pagpanaw ni retired Supreme Court Associate Justice Jose P. Perez.
Bago nahirang bilang mahistrado ng Korte Suprema ay nagsilbing Court Administrator si Perez.
Pumanaw si Perez noong Agosto 12 sa edad na 74 anyos.
Si Perez ang itinuturing na kauna-unahang homegrown justice ng Korte Suprema dahil nagsimula siya doon bilang technical assistant noong 1971 at unti-unting umakyat ng ranggo hanggang sa maitalagang associate justice.
Moira Encina