PH-US economic security relations palalakasin—Speaker Romualdez

Doble-kayod si House Speaker Martin Romualdez upang palakasin ang economic security relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang nilinaw ni Speaker Romualdez kasunod ng ginawang pakikipagpulong kay US Representative Young, chairperson ng House Foreign Affairs Subcommittee on the Indo-Pacific, sa US Capitol.

Binigyan-diin ni Romualdez ang kahalagahan na mapalawak ang kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan gayundin ang paglikha ng oportunidad sa pag-unlad.

Kasama ni Romualdez sa kanyang pakikipagpulong kay Kim sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng ikalawang distrito ng Zamboanga, Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng ikatlong distrito ng Pampanga, Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco, Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” del Gallego Romualdez, House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco, at House Sergeant-at-Arms PMGEN (retired) Napoleon C. Taas.

Nasentro ang agenda ng pulong sa pagpapalakas ng depensa at seguridad na mahalagang bahagi ng relasyon ng Pilipinas at US.

Sinabi ni Romualdez na dadalaw ang delegasyon ni Kim sa Pilipinas sa Nobyembre bilang bahagi ng pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa.

Sa mga nakaraang pakikipag-ugnayan, sinabi ni Romualdez na paulit-ulit na binibigyang-diin ng Estados Unidos ang kahalagahan ng Pilipinas sa kanila, gayundin sa pagkakaroon ng bukas at malayang kalakalan sa Indo-Pacific.

Sinabi naman ni Ambassador Jose Manuel ‘Babes’ Romualdez na naging matagumpay ang pagpupulong at makatutulong ito upang mapalawak ang economic engagement na magpapalakas sa ekonomiya ng bansa.

Kinumusta rin ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino sa distrito ni Rep. Kim na nakakasakop sa hilagang bahagi ng Orange County.

Noong 2018, mayroong 89,000 Pilipino sa Orange County.

Si Rep. Kim ang unang South Korean-born Republican woman na nahalal sa California State Legislature.

Genycil

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *