Pharmaceutical sector ng Pilipinas, tutulungan ng India
Inaasahang tutulungan ng India ang Pilipinas sa pagpapalakas sa domestic pharmaceutical manufacturing capacity nito.
Ito ang sinabi ng kanilang envoy matapos mag-courtesy call kay presumptive president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran . . . “Marcos brought it up and was very keen to see domestic manufacturing of pharmaceutical products. Indian companies are looking forward to strong engagement and, I think, in the new administration, we will carry forward the dialogue with the view [of] creating domestic capacities in the pharmaceutical sector to contribute to the health security of the Philippines.”
Binigyang diin nito na ang India ay isa sa malalakas na katuwang ng Pilipinas sa sektor ng kalusugan.
Aniya . . . “A lot of pharmaceutical products, a lot of the vaccines to the Philippines come from India. During COVID-19, we witnessed strengthening of this partnership.”
Ang India ang tahanan ng Serum Institute of India, ang pinakamalaking vaccine manufacturer sa mundo.
Nahirapan ang Pilipinas na makakuha ng mga bakuna sa pagsisimula ng pandemya ng COVID-19, ngunit mula noon ay binuo na nito ang imbentaryo sa pamamagitan ng mga donasyon at pag-import.
Ang Pilipinas ay hindi gumagawa ng anumang bakuna laban sa COVID-19.