Pharmally officials, mananatiling nakakulong sa Pasay city jail
Mananatiling nakakulong sa Pasay city jail ang dalawa sa mga opisyal ng Pharmally pharmaceutical corporation na ipinacontempt ng Senado na sina Linconn Ong at Mohit Dargani hanggang June 30.
Ito’y kahit naglabas na ng report ang Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa ginawang imbestigasyon sa pagbili ng medical supplies ng gobyerno sa Pharmally.
Ayon sa Chairman ng komite na si Senador Richard Gordon hindi pa sila tapos sa imbestigasyon at hinihintay pang mahuli ang mga idinadawit sa kontrobersiya.
Ang dalawa ay ipinakulong dahil sa pagtangging magbigay ng financial documents sa pakikipagtransakyon sa gobyerno.
Makakalaya lang ang dalawa kung magbabago ang isip at makikipagtulungan sa Senado.
Maari pa raw siyang magpatawag ng hearing kahit may kampanya dahil hindi pa naman natatapos ang kaniyang termino bilang miyembro ng 18th Congress.
Mananatili rin ang arrest order laban kay dating PS DBM Usec Loyd Christopher Lao at iba pang ipinacontempt ng Senado.
Maaari lamang itong mawalan ng bisa kapag nagsara ang 18th Congress sa June 4.
Meanne Corvera