Pharrell Williams magkakaroon ng Vuitton show sa Hong Kong
Isasagawa ng musician-turned-designer na si Pharrell Williams ang ikalawa niyang show bilang creative director para sa Louis Vuitton sa Hong Kong.
Si Williams ay magkakaroon ng isang “pre-fall show” para sa kaniyang menswear line sa November 30, kasunod ng maningning niyang debut sa Paris Fashion Week noong June.
Bibigyang diin sa fashion show ang kahalagahan ng Chinese consumers sa Louis Vuitton, na nagsabing ang “cultural vibrancy” ng naturang island archipelago ay patuloy nilang nagiging “source of inspiration.”
Pinalitan ni Williams si Virgil Abloh, ang unang black American na nangasiwa sa pangunahing French label hanggang sa siya ay mamatay dahil sa cancer.
US Louis Vuitton’ fashion designer and singer Pharrell Williams acknowledges the audience at the end of the Louis Vuitton Menswear Spring-Summer 2024 show as part of the Paris Fashion Week on the Pont Neuf, central Paris, on June 20, 2023. (Photo by STEFANO RELLANDINI / AFP)
Ang appointment ng umawit ng sikat na kantang “Happy,” ay nakikitang sumasalamin sa isang mas malawak na pagsasanib-puwersa ng fashion, hip-hop at pop cultyre, bagama’t hindi ito kasang-ayon sa pinakahuling appointments ng malalaking labels gaya ng Gucci at Chloe na mas pinili ang “less flashy but technically” proficient artisans.
Sa una niyang palabas noong June ay bumida ang makasaysayang Pont Neuf bridge ng Paris na pininturahan ng ginto, para sa isang celebrity-packed party kung saan tampok din ang concert ni Jay-Z.
Ipinakita rito ang “spending power” ng label, na nakatulong upang tumaas ng 30 porsiyento ang kita ng LVMH company, o katumbas ng 8.48 billion euros ($9.34 billion) sa unang kalahati ng taon.
Sinabi ni Williams, “What it is that I was brought in here to do is to push expansion and growth not only in sales, but in perspective, culturally.”