Phase 2 ng Covid-19 vaccination sa mga kabataang may comorbidities, umarangkada na ngayong araw
Nagsimula na ngayong araw, October 22 ang phase 2 ng pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos na may comorbidities.
Kumpara sa phase 1, ngayon ay mas maraming ospital na ang pagdarausan ng pagbabakuna, kung saan bawat isang Lungsod sa National Capital Region ay magkakaroon.
Sa Caloocan City: Caloocan City North Medical Center at Caloocan City South Medical Center
Sa Malabon City: Ospital ng Malabon/Oreta Sports Complex
Sa Navotas City – Navotas City Hospital
Sa Valenzuela City – Valenzuela City Emergency Hospital
Sa Pasig City – Pasig City General Hospital
S Pateros – St. Luke’s Medical Center (BGC)
Marikina City – Marikina Sports Complex
Sa Taguig City – St. Luke’s Medical Center (BGC)
Sa Quezon City: Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children Hospital Fe Del Mundo Medical Center, Quezon City General Hospital at St. Lukes Medical Center
Sa Maynila: Philippine General Hospital at Ospital ng Maynila Medical Center
Sa Makati City – Makati Medical Center at Ospital ng Makati
Sa Mandaluyong City – SM Megamall Mega Vaccination Site
Sa San Juan City – Cardinal Santos Medical Center
Sa Muntinlupa City – Ospital ng Muntinlupa
Sa Parañaque City – Ospital ng Paranaque
Sa Las Piñas City – University of Perpetual Help Dalta System
Sa Pasay City – Pasay City General Hospital
Magkakaroon naman ng Ceremonial vaccination sa Cardinal Santos Medical Center, ospital ng Parañaque at Quezon City General Hospital.
Madz Moratillo