Phase 2 ng Immunization program ng DOH kontra tigdas at polio,isasagawa sa Pebrero
Hindi parin tapos ang measle outbreak sa bansa.
Katunayan ayon kay Dr.Wilda Silva, program manager ng Immunization program ng DOH, patuloy parin silang nakapagtala ng mga kaso ng tigdas nitong nakaraang taon.
Sa datos ng DOH nitong 2020, nasa 3,832 ang kanilang naitalang kaso ng tigdas habang may 38 naman ang nasawi.
Karamihan sa mga kaso ng tigdas ay naitala sa mga batang nasa edad 5 pababa.
Kaya naman ayon kay Silva, ngayong taon ay isasagawa ng DOH ang phase 2 ng kanilang Immunization program na gagawin sa Pebrero 1 hanggang 28.
Para sa measles vaccine ang target nila ay mga batang nasa 9 hanggang 59 na buwan at sa polio vaccine naman ay 0 hanggang 59 months old.
Gagawin aniya ito sa National Capital Region at regions 3 at 4A sa Luzon at lahat nf rehiyon sa Visayas.
Ayon kay Silva, nitong nakaraang taon may 16 kaso ng polio silang naitala sa bansa kaya naman patuloy parin ang kanilang vaccination campaign.
Madz Moratillo