Phil. Ambassador to Brazil Marichu Mauro dapat sibakin sa puwesto at kasuhan na ng DFA
Umapila si Senador Juan Miguel Zubiri sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sibakin na sa puwesto si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro kasunod na viral video na pagmamaltrato sa kanyang Pinay na kasambahay.
Ayon kay Zubiri, may batayan na para tanggalin ito at patawan ng patong-patong na kaso.
Senador Juan Miguel Zubiri:
“So paano po niya maiimplement ung Policy of no abuse to our OFW o foreign contract workers kung siya mismo nahuling nang-aabuso ng kasambahay. Binanggit ko nga na tatlong batas ang kanyang nilabag, yung Republic Act 6703. So yung nilabag niya may penalties yung criminal at administrative, maltreatment meron din katumbas na penalties yan sa ating Revised Penal Code”.
Pagtiyak ni Zubiri, hindi na ito makakakuha ng anumang puwesto dahil kahit maitalaga itong Embahador sa ibang bansa, hindi ito lulusot sa Commission on Appointments.
“Kumukulo dugo ko eh, she is a person of a forty. Siya po ang dapat mag-alaga sa ating kababayan sa ibang bansa bilang alter ego ng Presidente bilang protector ng mga Filipinos all over the world yet siya mismo nag-aabuso at nagmamaltrato sa mismong kababayan. It set as a bad signal to the current situation. Gaya sa Middle East, binubugbog ang ilang kababayan natin kasambahay doon.. e panu pag nakita nila natayo mismo nambubugbog baka isipin uso ba yun sa kapwa niyo laborers on kasambahay o OFWs”?
Samantala, isinusulong ng Senador ang mandatory na paglalagay ng mga security camera sa lahat ng Embahada, foreign posts at mga official residence ng mga Diplomats.
Isusulong niya aniya ang dagdag na budget ng DFA para dito oras na talakayon na sa plenaryo ang 2021 proposed National Budget.
Meanne Corvera