Philhealth at mahigit 80 mga GOCC, bagsak sa Performance evaluation
Umaabot sa 84 na mga Government owned and Controlled Corporations (GOCC) ang bumagsak sa Peformance evaluation system ng Governance Commission for GOCCs (GCG) noong 2018.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni GCG chairman Samuel Dagpin Jr., na kabilang sa bumagsak sa kanilang evaluation ay ang PhilHealth na nakakuha ng sore na 78 percent samantalang 90 percent ang passing rate.
Nangangahulugan ito na walang tatanggaping performance bonus at iba pang insentibo ang mga opisyal at kawani at maaari ring irekomenda ng GCG ang abolisyon ng GOCC.
Ang resulta ng 2018 evaluation ang naiulat ni Dagpin dahil hindi pa kumpleto ang para sa taong 2019.
Samantala, sa pagdinig din, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na lugi ang gobyerno sa pagbibigay ng subsidiya sa mga GOCC.
Sa report ni Dagpin, negremit ang 118 GOCCs ng 47 billion pesos sa gobyerno noong 2019 pero ayon kay Gatchalian, lumilitaw na 200 bilyong piso naman ang subsidiya sa kanila ng gobyerno.
Ang Top 3 agencies na tumatanggap ng pinakamataas na subsidiya ng Gobyerno ay ang Philhealth, National Housing Authority (NHA) at National Irrigation Authority (NIA).
Meanne Corvera