Philhealth, kailangan nang isailalim sa overhaul….mga sangkot sa anumalya sa ahensya, dapat nang kasuhan- former DOH Sec. Janette Garin

 

Kailangan nang isailalim sa overhaul o masusing pagsusuri ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.

Sa panayam ng Radyo Agila kay dating Health secretary Janette Garin, nang maupo siya sa DOH ay sumakit umano ang ulo niya  dahil financial reports pa lamang ay tila nililinlang na siya ng ahensya.

At kahit nagpatupad siya ng reporma sa mga programa ng Philhealth ay hindi rin ito naipatupad ng maayos dahil nagsasabwatan ang mga opisyal nito .

Kinuwestyon rin ni Garin ang nawala o natigil na ang mga maintenance medication na ipinamimigay sa mga Senior citizens.

Malinaw aniya na ginagamit ng Philhealth ang mga senior citizens para makapanloko at makakuha ng malaking pondo.

“Kawawa naman yung ating mga senior citizens, tila ginagamit ng iba na kunwari may concern sa kanila pero ginagamit sila to Fraud Philhealth. Yung iba naman na may mga ambisyon ay ginagamit din sila na kunwari ay concern. If they really concern on our senior citizens eh bakit tila nawala yung mga maintenance medication na ipinamimigay sa mga nakatatanda. At bakit tinotolerate yung fraud at ginagamit ang mga benepisyo nila para paghati-hatian ng mga iilang involve”.

Nauna nang sinabi ni Garin na ang akusasyon sa kaniya ng PHilhealth na pag-divert ng 10. 6 bilyong pisong pondo para sa mga nakatatanda ay gawa-gawa lamang ng ahensya para pagtakpan ang mga bilyun-bilyong utang na kinakaharap nito.

Kasabay nito, umapila  si Garin sa pamahalaan na kasuhan na ang mga taong sangkot sa anumalya sa Philhealth at tulungang malinis na ng tuluyan ang tanggapan.

“Kasuhan na at dalhin lahat ng akusasyon sa korte para doon ay sagutin namin at huwag nang sayangin yung pera sa mga walang katapusang hearing sa senado at kongreso na wala namang kinahihinatnan. Tulungan natin si Pangulong Duterte by way of cleansing Philhealth”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *