Philhealth malabo pang mabayaran ang utang nito sa mga pampubliko at pribadong ospital
Taliwas sa naunang kanilang pangako, malabo pang mabayaran ng Philippine Health Insurance Corporation ang pagkakautang nito sa mga pampubliko at mga pribadong ospital.
Aabot sa 27.2 billion pesos ang utang ng Philhealth sa mga pribadong ospital kung saan 19.2 billion dito o 73 percent dapat nabayaran na nitong August 2 ngayong taon.
Sa hearing sa Senado sinabi ni Philhealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr., na may sapat namang pondo ang ahensya pambayad pero hindi sigurado kung matatanggap ng mga ospital dahil sa nangyaring cyber attack.
Target sanang matapos ang pagbabayad hanggang Disyembre pero nagkaroon ng aberya matapos ma hack ang kanilang sistema
Magagawa naman raw nila ang pagbabayad ng mano-mano pero matatagalan nga lang ang proseso.
Sa ngayon balik online na ang kanilang operasyon at unti unti nang nagpo proseso ng mga claims
Meanne Corvera