Philhealth, pinagbantaan na ng ilang Senador kapag hindi pa rin nagbayad sa mga ospital
Mananagot na kayo sa Senado.
Ito ang babala ni Senador Imee Marcos sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation kapag hindi pa rin nagbayad sa mga pribado at pampublikong ospital.
Sinabi ni Marcos na malubha na ang kalagayan ng mga ospital sa dami ng mga pasyente pero pinalala pa dahil sa mga claims na hindi pa rin nare refund ng Philhealth.
Kahit puno ng mga pasyente, hindi makapag hire ang mga ospital ng mga karagdagang nurses at medical staff o makabili ng oxygen supplies at PPEs dahil kulang ang pondo.
Magdadalawang taon na ayon sa Senador na naghihintay ang mga ospital pero wala pa ring tugon ang philhealth.
Kwestyon ng Senador bakit hindi pa bayaran kung may koleksyon naman ang ahensya at ipinagmamalaking buo ang reserve fund na 220 billion pesos.
Meanne Corvera