Philhealth: Walang info leakage sa nangyaring online security incident
Walang nakompromiso o nangyaring leakage sa mga personal na impormasyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.
Ito ang tiniyak ng Philhealth matapos magpatupad ng temporary system downtime ang Korporasyon dahil sa umano’y security incident noong nakalipas na linggo.
Sa Facebook post ng Philhealth gabi ng Sabado, September 23, 2023, sinabing ginagawa nila ang lahat ng paraan upang muling mapagana ang naapektuhang mga sistema sa lalung madaling panahon.
Siniguro ng Philhealth na kontrolado na nila ang insidente.
Target ng Korporasyon na maibalik na at maging operational na muli ang kanilang online system bukas, Lunes, September 25 sa sandaling makumpleto na ang containment measures.
Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente sa pakikipagtulungan ng Philhealth sa National Privacy Commission (NPC), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Umapila rin ang Philhealth sa publiko ng pang-unawa at sinabing mananatili ang mga benepisyo ng bawat miyembro mula sa mga accredited healthcare facilities.
TL