Philippine Dental Health month o Oral month, ginugunita ng DOH

 

Ipinagdiriwang tuwing Pebrero ang Oral Health month o Philippine Dental Health month.

Ito ay batay sa Presidential Proclamation no. 559 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ang mga aktibidad kaugnay ng paggunita sa okasyong nabanggit ay pinangungunahan ng Philippine Dental Association o PDA.

Nilalayon nito na mapalakas ang public awareness tungkol sa kahalagahan ng good oral health.

Hinihikayat nito ang mga dentista, estudyante, relevant government agencies at non professional organizations na maabot  ang publiko na walang access sa dental services lalo na doon sa mga kababayan nating nasa kanayunan.

Sa datos ng DOH, isa sa bawat sampung pilipino ang may sirang ngipin.

Samantala, ayon sa mga eksperto, maaari umanong maging sanhi ng sakit sa puso ang mga sirang ngipin.

Dalawang uri daw ng sakit sa puso ang maaaring makuha kapag sira ang mga ngipin dahil sa hindi pagsesepilyo.

Ito ay ang impeksyon sa balbula ng puso  bara sa ugat ng puso.

Payo ng eksperto, gawing isa sa priority ng pangangalaga sa kalusugan ang dental care.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *