Philippine Embassy sa Abu Dhabi kinumpirmang pinanumpaan doon ni Atty Harry Roque ang kaniyang kontra-salaysay
Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, na personal na humarap doon si Atty. Harry Roque at ang asawa nito noong Nobyembre 29, para mag-avail ng notarial services.
Ayon sa embahada, hindi nangangailangan ng prior appointment at ipinagkaloob naman ng Philippine embassy sa mag-asawang Roque ang nasabing consular services na inoobliga para sa mga dokumento na pinanumpaan sa ibang bansa.
Sinabi ng embahada na nakapag-prisinta ang dalawa ng mga valid na pasaporte at lumalabas na nananatili nang legal sa UAE.
Una nang isinumite ng mga abogado ni Roque sa DOJ ang counter-affidavit nito para sa reklamong qualified human trafficking.
Inamin ni Roque na sa Philippine embassy sa UAE niya pinanumpaan ang dokumento pero wala na siya sa nasabing bansa.
Moira Encina-Cruz